Wednesday, October 8, 2008

Litratong Pinoy # 1: Luma Na




Eto ang akin para sa linggong ito. eto lang ang nahanap ko na luma sa mga kagamitan dito sa bahay. litrato ito noong 1987, ang ama ko ang kumuha nito dahil mahilig sya kumuha ng mga litrato gamit nya pa yung camera nyang propesyonal, tama ang sabi ng nanay ko nagmana ako sa ama ko dahil mahilig rin ako kumuha ng litrato. kuha ito sa Old Cabalan, Olongapo City. Kung ikaw ay nag punta na sa Olongapo o di kaya taga Olongapo ka malalaman mo kung saan ang lugar na ito, dahil kuha ito sa itaas lang mismo ng lumang simbahan ng Cabalan. mahal na mahal ko ang lugar na ito dahilan sa maraming magagandang ala ala na rin kahit maliit pa ako. marami rin akong nakilala na mga kalaro dito sa lugar na ito kahit sa saglit na panahon lang. at naalala ko pa yang suot ko na yan ilang beses ko na atang natapunan ng sarit saring mga inumin. kung pupuwede lang sana ibalik ang panahong yun, gagawin ko.

This is my entry for this week. this is the only thing that I found Old among my stuff here at home. This is a picture back in 1987, my father took this one because he loves taking pictures using his professional camera, my mother was right I got my love for photography from my father because I myself love taking pictures. This picture was taken back in Old Cabalan, Olongapo City. If you have been to Olongapo or you've lived there you will know what place that I'm talking about, This was taken just in front of the Old Cabalan Church. I really love this place because I had lots of good memories eventhough I was little. I also had a lot of memories of this place since this is the place where I met a lot of my playmates even in a short time only. and I still remember that dress, oh how many times I've spilled different kinds of drinks on it. If only I can bring back that time, I will do it.

3 comments:

Anonymous said...

sis kitty kaw toh?? ang ganda mo ah.. may lahi ka ba sis? mukha ka kasing amerikana eh.. ^^

Joy said...

Ang cute ng kuhang ito. Nakakatuwa din na namana mo ang hilig sa litrato mula sa tatay mo. Magandang pagbonding-an yan. :D

Maligayang araw!

JO said...

mabuti at naitago mo pa itong litrato.

Eto ang aking lahok. Salamat po.